Select Page

January 19, 2013: Kahit naganap na ang unang pamamanhikan noong bago pa kami ikasal sa huwes, natuloy pa din ang pangalawang pagkakataong mamanhikan.

Ang pinagkaiba lamang ng una sa ngayon ay nandito na ang biyenan kong lalaki. Noong una kasi, nasa ibang bansa pa siya kaya ‘thru phone’ lang ang usapan namin no’n.

Nakaraos din kahit papaano. Nagkatay ng isang malaking AKO, este baboy para sa konting handaan, arkila ng videoke, at bili ng alak.

Halos lahat din ng kamag-anak ni JordannE ay nagpunta. Sa panig ko naman, kaunti lang kami pero kasama ang lolo’t lola namin.

Kaunting inuman sa gabi at samahan pa ng pagkanta sa videoke. Masaya!

~ #Bebeng #Bebang

Pin It on Pinterest

Share This